Ilang mga patakaran sa pagpasok sa Manila Baywalk Dolomite Beach, mas lalong hinigpitan

Mas lalong hinigpitan ng pamunuan ng Manila Baywalk Dolomite Beach ang pagpasok ng publiko sa loob nito.

Bukod sa mga health protocols na ipinapatupad, kinakailangan sa ngayon ay fully vaccinated ang mga indibidwal na papasok dito dala ang kanilang mga vaccination cards.

Ipinagbabawal na rin na makapasok ang mga batang nasa edad 11-anyos pababa habang hiwalay na rin ang pila sa mga nagpa-book via online at sa mga walk-in.


Nagtakda na rin ng schedule ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung saan bukas ito ng 6:30 hanggang 7:30 ng umaga; 8:00 hanggang 9:00 ng umaga; 9:30 hanggang 10:30 ng umaga at 11:00 hanggang 12:00 ng tanghali.

Muli itong bubuksan ng 1:30 hanggang 2:30 ng hapon; 3:00 hanggang 4:00 ng hapon at 4:30 hanggang 5:30 ng hapon.

Pero paalala ng DENR, nasa 300 indibidwal lamang ang maaaring makapasok kung saan bukas ito noong Disyembre 28, ngayong 29 at sa Enero 4.

Sa mga nais naman magpa-book via online ay kinakailangam ma gawin ito isang araw bago ang pagpunta sa nasabing lugar kung saan maaari nila itong gawin sa website ng DENR Manila Bay Dolomite Beach Appointment System.

Facebook Comments