Mahalaga na magkaroon ng mga prayoridad na proyekto isasagawa ang isang lokal na pamahalaan para sa ika-uunlad ng nasasakupan nito at pinaka-unang mabebenipisyuhan dapat ay mismong mga residente nito.
Ipinasa na ng lokal na pamahalaan ng Basista sa pangunguna ng alkalde ng bayan ang ilang mga prayoridad na proyekto nito matapos bumisita sa opisina ng mga senador.
Ilan sa kabilang na mga nakalinyang proyekto sa ipinasang priority projects ay ang slaughterhouse (3rd phase), construction of municipal building, tractors for farmers, evacuation center, concreting of roads, financial assistance for our constituents and cash for work o TUPAD kung saan makakatulong ang mga ito sa pangangailangan ng kanilang mga kababayan.
Ayon sa alkalde, ang pag-priority nila ng ganitong klaseng proyekto ay makakapagpa-benepisyo sa kanilang mga kababayan at kasama nito sa pagpapatupad ang mga katuwang na opisyales at Sangguniang bayan members nang sa gayon ay lumago pa at maging progresibo ang kanilang bayan. |ifmnews
Facebook Comments