Mas humaba ang pila ngayon sa Office of the Election Officer sa Commission on Elections o COMELEC – Aroceros sa lungsod ng Maynila isang linggo bago ang deadline ng voter registration.
Ilan sa mga nais magparehistro ay pumila mula pa kagabi kung saan karamihan sa kanila ay pawang mga first time na boboto.
Nasa 250 slots ang inilaan para sa mga nais magparehistro na pawang mga residente ng District 2 at 3.
Bukod dito, ikinakasa rin ang satellite voter registration sa mga mall kung saan ang mga residente ng District 1 at 4 sa lungsod ng Maynila ay maaaring magtungo sa SM Manila.
Isasagawa rin ang voter registration para sa mga residente ng District 5 sa Robinsons Place Manila habang sa Robinsons Otis ang mga taga-District 6.
Muli naman hinihimok ng COMELEC ang publiko na bisitahin ang kanilang official Facebook page para malaman kung ano-ano ang schedule ng kanilang satellite voter registration sa mga mall mula Luzon, Visayas at Mindanao.