Cauayan City, Isabela- Nasa mahigit anim na raang estudyante ang magtatapos ngayong buwan ng Hunyo na gaganapin sa Solano, Nueva Viscaya na kabilang sa programa ng DSWD Region 2 kung saan ilan sa mga ito ay mga Cum Laude at Magna CumLaude.
Ito ang iniulat ni Ms. Jeaneth Antolin, ang Information Officer ng DSWD Region 2 sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kaninang umaga.
Aniya, mula sa anim na raan at labingpitong estudyante na kabilang sa programang *Expanded Students**’ **Grant-in-Aid Program for Poverty Alleviation o ESG-PA ng DWSD ay nasa dalawamput walo ang magtatapos bilang Cum Laude at isang Magna Cum Laude.*
*Ayon pa kay Information Officer Antolin, karamihan sa mga magtatapos nitong ika labingdalawa ng Hunyo ay mga anak ng miyembro ng *Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s dito sa rehiyon at kabilang rin sa magtatapos ang tatlong estudyante mula sa probinsya ng Batanes.
Kanya ring inihayag na maaari pang madagdagan ang bilang ng mga magtatapos ngayong buwan dahil maaari rin umanong may mga hahabol.
Samantala, inihayag rin ni Information Officer Antolin na hindi umano exclusive ang naturang programa dahil pwede rin umanong makatanggap ang mga estudyanteng kabilang sa programa ng iba pang scholarship program.