Manila, Philippines – Iniatras na ng ilang biktiman ng rent tangay modus
ang reklamo laban sa mga suspek matapos na makuha ang kanilang mga sasakyan.
Siyam sa mga biktima ng nasabing modus ang naghain ng affidavit of
resistance sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) kung
saan inatras ng mga ito ang mga kasong syndicated estafa laban sa mga
suspek na sina Rafaela Anunciacion at pitong iba pa.
Dito sila sinermonan ni DOJ Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes
dahil batay sa kanilang mga affidavit, pinilit sila ng PNP Highway Patrol
Group na magsampa ng reklamo.
Babala ni Reyes – pwedeng kasuhan ang mga biktima dahil sa pabago-bagong
testimonya.
Dismayado naman si PNP-HPG Calabarzon PO3 Aladdin Orale sa pag-atras ng mga
complainants.
Mula sa halos 30 ay 20 na lamang ang magtutuloy ng reklamo pero hindi pa
abswelto sa kaso ang mga suspek.