Nakiisa ang mahigit 200 na mga ina sa Lungsod ng Cauayan bilang pagdiriwang sa Breastfeeding Awareness Month ngayong Agosto na dinaluhan rin ng mga Non-Government Organization gaya ng JCI.
Layunin nito na ipalaganap ang kagandahang dulot ng pagpapasuso ng gatas ng ina sa loob ng 1,000 na araw ng bata.
Una rito, nagsagawa ng programa ang Nutrition Office at City Health Office sa mahigit 200 na mga ina sa katatapos na HAKAB 2019 na isinagawa sa SM City Cauayan noong Sabado.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Nutrition Officer Mary Jane Yadao, hindi lang naman aniya kailangan na tuwing Agosto lamang gawin ang pagpapasuso sa mga bata kundi gawin ito ng bawat kakapanaganak na ina upang maging malakas at malusog ang mga anak.
Mensahe naman ni Ginang Yadao sa mga nanay na tangkilikin ang breastfeeding sa mga baby upang maging malusog rin ang pangangatawan ng ina.