Cauayan City, Isabela- Labis ang tuwa ng ilang mga negosyante matapos maibaba sa Alert Level 2 status ang buong lalawigan ng Isabela.
Ito ay sa harap pa rin ng nararansang pandemya dulot ng COVID-19.
Ayon sa mga negosyante, naging matumal ang bentahan ng kanilang mga ibinebentang paninda dahil sa restrictions dulot ng COVID-19.
Dahil dito, nadagdagan na ang bilang ng mga customer na bumibili sa kanilang mga paninda hindi tulad ng dati na kinailangan pa nilang magbawas ng mga tauhan dahil sa matinding tumal sa mga paninda.
Sa kabila nito, nakabalik na ang karamihan sa mga negosyante sa kanilang operasyon kaya’t malaking ginhawa ito na makakatulong para sa kanilang negosyo.
Tiniyak pa rin ng mga ito na sumusunod sila sa ipinatutupad na health protocol para makaiwas sa banta ng COVID-19.
Facebook Comments