CAUAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL, HANDA NA SA PAGBABALIK NG LIMITED FACE- TO-FACE CLASSES

Cauayan City, Isabela- Abala ngayon ang mga guro ng Cauayan City National High School muling pagbubukas ng limited face-to-face classes.

Matatandaan na nagkaroon ng unang bugso ang face-to-face classes noong nakaraang taon pero ito’y hindi na pinalawig dahil sa bagong Omicron variant ng COVID-19.

Sa darating na lunes, magsisimula na ang kanilang face-to-face classes para sa kanilang mga estudyante na kumuha ng TVL track kung saan may mga specialization gaya ng sport track, sports and design, at para naman sa Junior High ay mayroon silang Science program for the arts, Foreign Language na Mandarin.

Samantala, patuloy naman ang kanilang pag-iimprenta ng mga module para sa kanilang mga estudyante na kanilang gagamitin.

Ayon sa pamunuan ng eskwelahan, kung maaari ay bakunado lahat ng kanilang mga mag-aaral bago sila papasok sa paaralan para matiyak ang kaligtasan ng lahat dulot ng COVID-19

Facebook Comments