Cauayan City, Isabela- Inaasahang darating sa Pilipinas ang ilang Overseas Filipino Worker kabilang ang isang (1) manggagawa mula sa Brgy. Mabini na isasailalim sa 14-days quarantine sa isang resort sa Santiago City.
Ayon kay Nurse Clarisse Abegail Vaflor, HRH-Nurse ng DOH-2, may nananatiling tatlong OFW ang nasa quarantine area bilang precautionary measure sa pag-iwas ng coronavirus o COVID-19.
Dagdag niya, kabilang ang isang OFW na tubong Brgy. Mabini na magmumula sa bansang U.S kung saan maraming kaso at namatay sa COVID-19.
Paliwanag naman ni Kag. Joseph Cortez na nasa maayos na sitwasyon sa ngayon ang nasabing manggagagawa na isa sa mga pasahero ng isang barko na maghahatid sa mga OFW pauwi ng Pilipinas.
Ayon sa opisyal, personal na nakipag-ugnayan ang pamilya ng OFW para sa mga hakbang sa pag-uwi ng kanilang kaanak.
Inaasahang darating sa Mayo 5 ang mga OFW lulan ng barko at ididiretso sa tanggapan ng OWWA Central Office para sa kaukulang aksyon.
Nananatili sa dalawang (2) kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Santiago na pawang mga health worker.