Pormal nang kinasuhan ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang may-ari at ilang opisyal ng Gubat sa Ciudad Resort matapos lumabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) omnibus guidelines.
Nahaharap sina Rodolfo de Guzman Jr. at General Manager Aleli de Guzman sa paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act o Republic Act 11332 at Ordinance Mandating the Strict Implementation of Social or Physical Distancing of People and Other Relevant Measures to Curb the Spread of COVID-19.
Inihain ang reklamo online sa City Prosecutor’s Office nina City Health Officer Evelyn Cuevas, at ng pinuno ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) na si Emmanuel Emilio Vergara.
Nauna nang sinampahan ng kasong administratibo si Barangay 171 Chairman Romeo Rivera dahil sa umano’y kapabayaan nito na mapigilan ang mass gathering sa kaniyang nasasakupan.1