Red tide alert, itinaas ng BFAR sa mga baybayin sa 13 probinsya sa bansa

715
Photo Courtesy: Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Central Office Facebook Page

Nagdeklara ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng red tide alert sa ilang lugar sa 13 probinsya sa bansa.

Ito ay makaraang magpositibo sa paralytic shellfish poison ang mga nakolektang shellfish sa mga sumusunod na coastal waters:


 Inner Malampaya Sound, Taytay sa Palawan
 Sorsogon Bay sa Sorsogon
 coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol
 Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental
 coastal waters ng Daram Island, Zumarraga, San Pedro at Cambatutay Bays sa Western Samar
 coastal waters ng Calubian, Leyte, Carigara Bay, Ormoc Bay at Cancato Bay, Tacloban City coastal waters ng Biliran Islands
 coastal waters ng Guiuan at Matarinao Bay sa Eastern Samar
 Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
 Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental
 Lianga Bay at coastal waters ng Hinatuan, Surigao del Sur
 Murcielagos Bay at coastal waters ng Ozamiz City, Misamis Occidental
 Taguines Lagoon, Benoni, Mahinog sa Camiguin

Kaugnay nito, bawal munang kumain ang lahat ng uri ng shellfish at alamang.

Habang ligtas kainin ang isda, pusit, hipon at alimango basta sariwa at hinugasang mabuti bago lutuin.

Facebook Comments