*Cauayan City, Isabela*- Bahagyang bumaba ang bilang ng mga barangay na apektado ng malawakang pagbaha sa ilang bayan sa Isabela habang lubog pa rin sa baha ang may 33 na barangay sa Lungsod ng Ilagan bunsod ng naranasang pagbaha sa buong Probinsya.
Kaugnay nito, sarado pa rin sa mga motorista ang ilang tulay sa Isabela na kinabibilangan ng Cabagan, Sto Tomas, Sta Maria, Alicaocao overflowbridge sa Cauayan City, Brgy Baculod, Cabisera 8 sa Ilagan City maging sa mga Barangay ng Gucab, Annafunan sa Echague, Brgy Sto Domingo at Brgy. Santiago sa Quirino at sa Brgy Colorado, sa Bayan ng San Guillermo.
Samantala, nakabalik na rin sa kani-kanilang mga tahanan ang ilang pamilya matapos ang naranasang pagbaha habang nananatili naman ang may kabuuan sa 7,832 na indibidwal o 1,710 na pamilya ang mga nasa evacuation center pa rin.
Kinumpirma naman ng Isabela Police Provincial Office na natagpuan na ang bangkay ng isa pang biktima ng pagkalunod dahil sa pagbaha na kinilalang si Domingo Bacani na isang karpintero.
Sa Probinsya ng Cagayan ay nagdeklara na ng ‘State of Calamity’ dahil sa naranasang malawakang pagbaha
Ayon naman kay Wilson Valdez, Information Officer ng DPWH Region 2, nakaranas ng pagguho ng lupa sa Bayan ng Sta. Praxedes, Cagayan habang pansamantalang nakasara ang mga pangunahing lansangan sa Claveria at hindi na rin madaanan ang lugar patungo sa Probinsya ng Ilocos Norte.
Patuloy naman na inaalam ng lokal na pamahalaan ang pinsala sa sektor ng agrikulta