Ilang panukalang batas, lusot na sa House Committee on Higher and Technical Education

Inaprubahan ng House Committee on Higher and Technical Education na pinamumuan ni Baguio City Representative Mark Go ang ilang mga panukalang batas.

Kabilang dito ang House Bill 2625 o panukala na maging attached campus ng Pampanga State Agricultural University ang Floridablanca National Agriculture School.

Si Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang may akda ng naturang panukala na layuning maisalba ang eskwelahan na problemado sa pondo para maipagpatuloy ang pagsisilbi sa mamamayan sa naturang lugar.


Lusot na rin sa komite ang inihain ni Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez na house bill 3251 na nagtatakda sa San Isidro Satellite Campus of the Leyte Normal University bilang regular campus.

Pasado na rin sa komite ang House bill 1693 o panukalang nag-aatas ng integration ng National Building Code of the Philippines bilang major subject ng mga engineering course.

Aprubado na rin ng komite ang house bill 1665 o Establishing an enterprise-based education and training program.

Facebook Comments