Ilang Parte ng Lalawigan ng Isabela, Quirino at Cagayan, Niyanig ng Magnitude 3.6 na Lindol!

*Cauayan City, Isabela- *Niyanig ng Magnitude 3.6 na lindol ang ilang bahagi ng lalawigan ng Isabela, Quirino at Cagayan bandang 2:04 ngayong hapon, Hulyo 9, 2018.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Ronald Villa, ang Chief Operation Section ng Office of the Civil Defense Region 2, sentro ng lindol na napag-alamang Tectonic in Nature ang bayan ng San Pablo, Isabela base sa ipinalabas na pahayag ng PHIVOLCS.

Ayon kay ginoong Villa, wala na umanong aftershock na mararanasan sa bayan ng San Pablo maging sa ibang parte ng mga lalawigan na apektado ng naganap na lindol.


Sa ngayon ay wala pa umanong naitalang pinsala na natanggap ang kanilang tanggapan matapos ang pagyanig sa nasabing tatlong lalawigan.

Facebook Comments