Ilang PDL ng Cauayan District Jail, Sumailalim sa HIV Test bilang bahagi ng ‘World AIDS Day’

*Cauayan City, Isabela*- Nakiisa ang Cauayan District Jail sa pagdiriwang ng “World AIDS Day” na layong maiwasan ang pagdami ng bilang ng mga nagpopositibo sa sakit at upang maagapan din ang paglala ng sakit kung sakaling magpositibo sa HIV.

Una rito, nakiisa ang kabuuang 39 na Persons Deprived of Liberty at tatlong kawani ng nasabing piitan katuwang ang Cauayan City Health Office 1

Ayon sa pamunuan ng Cauayan District Jail, nagsagawa rin ng pagbibigay ng impormasyon ang CHO sa pangunguna ni Nurse Delia Gonzalvo, HIV Coordinator patungkol sa kahalagahan ng pagsasailalim sa HIV Test dahil sa ganitong paraan ay maimumulat ang publiko maging ang mga PDL sa kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng sakit.


Negatibo naman ang lahat ng sumailalim sa HIV Test.

Sinabi naman ni Nurse Errol, tagapagsalita ng CHO Cauayan na magpapatuloy ang knailang kampanya upang maiwasan ang pagdami ng bilang ng nagpopositibo sa sakit at bilang bahagi ng pagdiriwang tuwing Disyembre 1 kada taon na “World AIDS Day”.

Facebook Comments