Cauayan City, Isabela – Nagtapos na kahapon sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education ang nasa apatnapung (40) Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Bureau of Jail and Management and Penology ng Lungsod ng Cauayan.
Dinaluhan ito ng mga kaanak ng nasabing mga PDL’s upang saksihan ang pagtatapos ng kanilang miyembro ng pamilya sa nasabing pag-aaral.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Nelia Mabuti, Education Program Supervisor ng ALS, ito aniya ay para sa mga out of school youth at adult na walang kakahayan na dumalo sa formal schooling dahil sa kanilang sitwasyon.
Dagdag pa ni Ginang Mabuti, may kakulangan aniya sa bilang ng mga guro ng nasabing programa ng DepED subalit naghain na umano sila ng proposal para sa karagdagang mga guro.
Mensahe naman ni Ginang Mabuti sa mga Out of School Youth na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap upang makapagtapos ng pag aaral at bukas lamang aniya ang kanilang tanggapan na tumulong sa mga ito.