Monday, March 2, 2026

Ilang Pinoy seafarers na hindi nakalipad noong Sabado matapos magsara ang airspace ng Middle East, tuloy na ang flight bukas sa ibang ruta

Tuloy na ang paglipad bukas, March 3 ng halos 20 Filipino seafarers na na-stranded sa NAIA 3 matapos makansela ang kanilang flight nitong Sabado makaraang magsara ang airspace ng Middle East.

Sa halip na dumaan ng Qatar patungong Greece, nagpasya na lamang ang kanilang manning agency na idaan sila sa China at mula sa Beijing ay lilipad sila patungong Greece.

Ito ay sa halip na via Qatar ang kanilang flight patungo ng Greece.

Ang OFWs ay agad naman na inilipat sa isang hotel sa Makati ng kanilang manning agency noong Sabado at bukas ay lilipad sila sakay ng tatlong magkakahiwalay na flights via Beijing.

Samantala, patuloy naman ang pagbibigay ng assistance ng Department of Migrant Workers (DMW) sa OFWs na na-stranded sa OFW Lounge sa NAIA 1 at 3.

Facebook Comments