Ilang pribadong kompanya at indibidbwal ang nagpaabot ngayon ng tulong sa gobyerno sa harap ng mga nararanasang aberya sa 30th SEA Games.
Ayon kay Philippine Football Federation President Mariano “Nonong” Araneta – inialok ng Southridge School sa Alabang, Muntinlupa ang ground nito para magsilbing practice venues ng mga atleta.
Matatandaang inireklamo ng ilang international football teams ang kondisyon ng proactive venue na ibinigay ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).
Samantala, 18 Ceres bus unit naman ng Vallacar Transit ang magsisilbing dagdag na shuttle ng mga football players papunta sa kanilang mga laban.
Ang Vallacar Transit ay pinamumunuan ni Leo Rey Yanson na may-ari ng top football club sa bansa na Ceres Negros.
Tumulong din ang celebrity chef na si Sau Del Rosario sa paghahain ng authentic Pinoy dishes para sa mga atleta sa New Clark City sa Tarlac na malayo sa “kiksilog” (kikiam, sinangag, itlog) na inihain noong nakaraang araw.
Ayon kay Rosario – karangalan na makapagsilbi at maging bahagi ng SEA Games.
Una rito, pinutakte ng reklamo ang organizers sa SEA Games dahil sa mga problemang naranasan ng mga atleta pagdating sa transportation, pagkain at hotel accommodation.