Mga kapalpakan sa SEA Games, dahil sa ugaling “last minute” ng mga Pinoy

Manila, Philippines – Aminado rin si Senate Sports Committee Chairman Bong Go na kulang ang naging preparasyon ng bansa para sa 30th SEA Games.

Ayon kay Go – posibleng dahil ito sa kaugaliang “last minute” ng mga Pinoy.

Muli namang umapela ang senador sa lahat ng kaukulang ahensya na isantabi muna ang sisihan sa halip ay magtulungan para matagumpay na mairaos ang sea games.


Nanawagan din si Go sa publiko na samantalahin ang home crowd advantage para suportahan ang mga atletang Pinoy.

Target aniya ng Pilipinas na pumasok sa top 1 hanggang top 3 ng SEA Games.

Facebook Comments