Ayon sa Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), mayroong kabuuang 3,026 crime incidents sa rehiyon, ito ay 14.30% na mas mababa kung ikukumpara noong 2020 na nakapagtala ng 3,531.
Kaugnay nito, naitala naman ng Baguio City ang pinakamababang crime incidents na umabot lamang sa 530 o 31.27%, mula sa 1,695 na insidente noong 2020.
Nakapagtala naman ang Kalinga ng bahagyang pagbaba ng crime incidents mula sa 445 na ngayon ay 350 o 21.35%.
Nasa 10.28% ang ibinaba ng crime incidents sa Abra habang 9.57% naman sa lalawigan ng Ifugao.
Samantala, ang mga probinsya ng Benguet, Apayao at Mountain Province ay nakapagtala naman ng mataas na crime incidents.
Pinuri naman ni PROCOR Regional Director PBGen. Ronald Lee ang kapulisan sa kanilang pagsisikap na mapanatiling ligtas ang Cordillera dala ng COVID-19.