Ilang Pulis, Pinarangalan ng PRO-2!

*Tuguegarao City-* Pinarangalan ng pamunuan ng Police Regional Office-2 (PRO2) ang limang pulis sa ginanap na Flag Raising Ceremony kahapon ng umaga sa PRO2 Grandstand.

Iginawad ang Medalya ng Kagalingan kina PCInsp Joberman A. Videz, PCInsp Ryan Dell G. Malanta, PSInsp Ranolfo S. Gabatin, PSInsp Michael S. Esteban at PSInsp Melissa O. Gulan dahil sa kanilang ipinakitang accomplishments sa kanilang nasasakupan.

Pinuri naman ni Ms. Nerissa B. Canguilan, Regional Director ng Civil Service Commission (CSC) at pangunahing panauhin sa naturang awarding ceremony ang limang pulis na naparangalan at mas lalo pa nitong hinikayat na gawin ang kanilang responsibilidad bilang isang alagad ng batas upang mapanatili ang seguridad ng mamamayan at peace and order sa lugar.


Samantala, iniabot naman ang cheque na nagkakahalaga ng P100,000.00 bilang Pamanang Lingkod Bayani ng CSC sa asawa ng pulis na napatay sa isang operation na si late PSInsp Michael Angelo TubaƱa.

Facebook Comments