MIAA: ‘Cancelled flights’ tuwing masama ang lagay ng panahon, hindi dapat balewalain ng mga pasahero

Hindi dapat balewain ng mga pasahero ang masamang lagay ng panahon na nagiging dahilan ng kanselasyon ng kanilang biyahe.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), hindi nila isasaalang-alang ang kaligtasan ng pasahero at mga crew nito para lamang ipagpatuloy ang flight kahit pa hindi maganda ang lagay ng panahon.

Giit ng MIAA, naiintindihan nilang importante ang oras para sa mga traveler at makapunta sa kanilang destinasyon.


Ngunit sa kabila nito, higit na mas mahalaga pa rin ang safety ng bawat isa para makapagbiyahe kahit pa delay ang kanilang flights.

Dapat umanong intindihin ng pasahero ang sitwasyon sa pagtitiyak na hindi sila pababayaan ng mga airport personnel.

Sa huli, sinabi ng MIAA na may mga option naman silang ibinibigay sa mga pasahero kung sakaling magtuloy-tuloy ang masamang panahon at ‘di na masunod ang kanilang flight tulad ng pag-rebook ng flight, pag-refund ng pamasahe o ‘di kaya naman ay manatili ang mga ito sa airport at gagawing prayoridad habang di pa makakaalis.

Kung maalala, may ilang kaganapan na rin sa paliparan na nagwawala ang ilang pasahero dahil sa delayed flights bunsod naman naman ng mga red at yellow alert warning na maaring maglagay sa peligro sa mga tauhan sa mismong ground.

Facebook Comments