ILANG PULIS, PINARANGALAN SA PAGKAKAHULI NG MGA TOP MOST WANTED SA CAGAYAN VALLEY

Cauayan City, Isabela- Ginawaran ng parangal ang ilang kasapi ng Philippine National Police (PNP) mula sa rehiyon dos dahil sa kanilang matagumpay na pagkakaaresto ng mga Top Most Wanted Person’s sa Lambak ng Cagayan.

Mismong ang panauhing pandangal na si National Intelligence Coordinating Agency Regional Office 2 Director Dennis Godfrey Gammad ang naggawad ng medalya sa mga awardees sa ginanap na flag raising at awarding ceremony sa Grandstand ng PRO2.

Inasistehan ni Police Brigadier General Steve Ludan, PRO2 Regional Director si NICA Dir. Gammad sa pag-pin ng medalya kina Police Lieutenant Rhayan Turingan at Police Staff Sergeant Edgar Baniel dahil sa kanilang kahusayan na nagresulta sa pagkakadakip ng Top Most wanted person sa rehiyon dos.


Pinarangalan din sina Police Lieutenant Jun-jun Torio, Police Staff Sergeant Marl Angelo Pamittan at Police Staff Sergeant Jake Guinoban sa nagawa namang accomplishment na ikinahuli ng Top 4 most wanted person sa rehiyon.

Sa mensahe ni RD Gammad, ipinunto nito ang kahalagahan ng whole-of-nation at whole-of-government approach para masugpo ang teroristang CPP-NPA at mawakasan ang insurhensiya sa bansa.

Pinuri din ni Gammad ang PRO2 sa patuloy na pangangampanya kontra terorismo sa rehiyon sa pamamagitan ng isinasagawang ‘Lingkod Bayanihan’.

Facebook Comments