Ilang Pulis sa Cagayan Valley, Pinarangalan sa Ika-120 Taong Anibersaryo ng Police Service

Cauayan City, Isabela- Tumanggap ng parangal ang ilan sa mga pulis sa rehiyon dos sa ika-120 taong anibersaryo ng Police Service sa Pilipinas na isinagawa sa pamamagitan ng online platform sa bawat himpilan ng pulisya.

Ang naturang selebrasyon ay may temang “Hangad na Kalinisan sa Kapulisan, Kapaligiran, at Komunidad; Ibayong Gampanan para sa Pangkapulisang Integridad”.

Sa individual award, nakuha ni Police Lieutenant Colonel Ernesto Nebalasca Jr., Force Commander ng 1st Quirino Provincial Mobile Force Company (1st QPMFC) ang Best Junior Police Commissioned Officer for Administration habang pinarangalan naman bilang Best Senior Police Non-Commissioned Officer for Administration si PEMSg Roberto Delos Angeles, Company Executive Senior Police Officer ng Cagayan 1st Provincial Mobile Force Company dahil sa magandang ipinamalas nilang performance sa kanilang nasasakupan.


Nagbigay naman ng mensahe si Pangulong Rodrigo Duterte at DILG Secretary Eduardo Año bilang guest of honor sa nasabing event.

Ang naturang selebrasyon ay sinaksihan ng mga matataas na opisyal ng PNP mula sa National Headquarters maging ang mga municipal at city police stations sa pamamagitan ng Facebook live.

Facebook Comments