Ilang Pulis sa PRO-02, Ginawaran ng ‘Medalya ng Kagalingan’ laban sa Insurhensiya

*Cauayan City, Isabela*- Kinilala ang ambag ng ilang pulisya mula sa Police Regional Office matapos ang matagumpay na kampanya laban sa insurhensiya at igawad ang pagkilala sa isinagawang Awarding Ceremonies sa loob ng pangrehiyon tanggapan ng pulisya.

Pinangunahan ito ni Ginoong Herbert Perez, Battalion Advisory Council at Regional Mobile Force Battalion 2 bilang Guest of Honor.

Iginawad naman ni PBGen. Angelito Casimiro ang *‘Medalya ng Kagalingan’* kina P/Capt. Dolriech Patnaan, P/Capt. Peter Bometivo, PSSg. Jaylord Valencia at Pcpl. Arnel Enriquez para sa kanilang tagumpay laban sa insurhensiya na nagresulta ng boluntaryong pagpapasuko sa mga miyembro ng Communist Terrosrist Groups sa ilalim ng Komiteng Larangan Guerilla ng Quirino-Nueva Vizcaya.


Kinilala din ang ambag ni Pcpl. Romeo Borja at Pat Marlon Cabaccan matapos mapasuko ang mga binansagang ‘Militia ng Bayan’ sa Bayan ng San Mariano, Isabela.

Samantala, pinuri naman ni Ginoong Perez ang pamunuan ng PRO-02 upang mapanatili ang kapayapaan sa hanay ng mga rebeldeng grupo at magbalik loob sa pamahalaan.

‘Ang Pulis natin ay higit na mas mabuti kumpara noon, bilang bahagi ng Batallion Advisory Council ng RMFB2, marami na kaming natapos na aktibidad na higit na nakatulong para sa magandnag hangarin ng RMFB2’ Ani Perez.

Facebook Comments