Ilang pulitiko, humaharang daw sa pag-aresto kay Gen. Gerald Bantag – pamilya Mabasa

Ibinunyag ng pamilya Mabasa na may ilang pulitiko ang humahadlang sa pag-aresto kay dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag.

Ayon kay Roy Mabasa, kapatid ng pinaslang na broadcaster na si Percy Lapid, mismong si Justice Sec. Crispin Remulla ang nagparating nito sa kanya.

Gayunman, hindi aniya pinangalanan ni Remulla ang mga pulitikong nagpoprotekta kay Bantag.


Sinabi pa ni Mabasa na bukod sa mga pulitiko, humahadlang din sa pag-aresto kay Bantag ang ilang kaklase nito mula sa PNP Academy.

Si Bantag ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Lapid.

Facebook Comments