
Suportado ng ilang PUV drivers ang mandato ng Department of Transportation (DOTr) na magkaroon ng mandatory drug test ang bawat driver bago makapagmaneho at makapagtrabaho.
Ito’y dahil na rin sa sunod-sunod na banggaan kung saan ilang buhay na rin ang nawala.
Ayon sa mga PUV driver na sina Enrique Ramasta, Arnold Peralta at Rey Canta— dapat lang na magkaroon na ng mandatory drug test.
Anila, hindi lamang kasi ito para sa safety ng pasahero maging ng nagmamaneho o ng mga pwede pang madamay sa kakalsadahan.
Tumataas kasi ang bilang ng road collision mula sa mga MC-Taxi, Jeep at mga bus.
Samantala, kwestyunable naman para sa ilang PUV driver kung sino nga ba ang sasagot ng drug test na isasagawa kada tatlong buwan o 90 days.
Maayos para sa kanila ang drug test ngunit sana ay hindi naman na raw sila ang magbabayad lalo pa’t gagawin ito kada tatlong buwan.









