Ilang railway projects, pinayagan ng IATF na mag-resume sa kabila ng umiiral na ECQ sa Luzon

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagpapanumbalik ng ilang rail projects sa kabila nang umiiral na Luzon-wide Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles inaprubahan nila ang hirit ng Department of Transportation (DOTr) na payagang makapag resume muli ang paggawa sa 13 rail projects.

Sinabi din ni Nograles na pinahihintulutan din ng task force ang rail replacement works para sa Metro Rail Transit Line 3 habang hindi ito sumasailalim sa passenger operations.


Maliban sa MRT-3 rehabilitation, kabilang sa mga proyektong magreresume ang limited works ay ang Light Rail Transit (LRT-1) Cavite Extension, LRT-2 East Extension, LRT-2 West Extension, LRT-2 Fire Restoration, MRT-7, Metro Manila Subway, MRT-LRT Common Station in North Avenue sa Quezon City, Philippine National Railways (PNR) Clark 1, PNR Clark 2 at Calamba, Subic-Clark Railway, PNR Bicol, at ang Mindanao Railway.

Kasunod nito, mahigpit na paalala ng Task Force sa DOTR ang pagkakaroon ng skeletal personnel gayundin ang “on- or near-site” accommodations at point-to-point shuttle services para sa mga manggagawa.

Dapat din aniyang regular ang pagsasagawa ng disinfection sa kanilang workplace at panatilihin ang social distancing at proper hand hygiene.

Facebook Comments