Panawagan na rin ng ilang residente na matapos na ang halos mag-iisang dekadang konstruksyon ng Villasis–Sto. Tomas Bridge sa Villasis, Pangasinan.
Walong taon na magmula nang umpisahan ang proyektong Villasis-Sto. Tomas Bridge dito sa Villasis, Pangasinan. Nang bisitahin ito ni DPWH Sec Vince Dizon, napag-alamang 2018 pa sinimulan ang proyekto at magpahanggang-ngayong 2026, hindi pa rin natatapos ang proyekto.
Habang hindi pa natatapos ang proyekto, may pansamantalang tulay na itinayo sa tabi nito na kasalukuyang dinaraanan ng mga motorista at residente.
Ayon sa ilang residente, malaking tulong ang tulay kapag tuluyan na itong natapos, lalo na sa pagpapagaan ng transportasyon at sa pagbawas ng mabigat na daloy ng trapiko sa ibang rutang dinaraanan.
Sa kanyang pagbisita ay binigyang-diin ni DPWH Sec. Vince Dizon ang kanilang hakbang na unahing tapusin ang mga natenggang proyekto upang tuluyan na itong mapakinabangan ng mga mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








