Ilang residente ng Batangas, isasalang sa psychosocial intervention matpos ang pagyanig ng magkakasunod na lindol

Manila, Philippines – Ilang residente ng Batangas ang isasalang sa psychosocial intervention, partikular sa bayan ng Mabini matapos ang magkakasunod na lindol doon.

Ayon kay Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Lito Castro – nakipag-ugnayan na sila sa DSWD para mabigyan ng ayuda ang mga residenteng na-trauma sa mga naturang pagyanig.

Sinabi pa ni Castro na bumabalik na rin sa normal ang buhay ng mga residente sa lalawigan sa kabila ng patuloy na nararamdamang aftershocks.


Kasabay nito, inaasahang isasagawa ngayong araw ang rapid damage assessment and needs analysis ang mga tauhan ng DSWD region 4A para mabatid ang kabuuang pinsala ng lindol.

Facebook Comments