Japanese 3-time world champion figure skater na si Mao Asada – nagretiro na

37

Pormal nang inanunsyon ng Japanese three-time world champion figure skater na si Mao Asada ang kanyang pagreretiro.

Ayon kay Asada – nawala na ang kanyang motivation para ipagpatuloy ang figure skating dahil sa mahinang performance noong nakalipas na season.

Nabatid na nagsimula si Asada sa skating noong siya ay limang taon pa lamang.

Kilala siya sa kanyang galing sa triple axel, at dahil dito, nasungkit niya ang kanyang pinaka-unang world title noong 2008, at ang pangalawa noong 2010.

Facebook Comments