Ilang residente ng Pagalungan sa Maguindanao at Pikit sa North Cotabato lumikas dahil sa umanoy presensiya ng mga terorista

Patuloy ngayon sa paglikas ang mga residente na naninirahan malapit sa Liguawasan Marsh na sakop ng bayan ng Pagalungan sa Maguindanao at sa bayan ng Pikit sa North Cotabato.
Nagmula ang mga ito sa barangay ng Kalbugan, . Buliok, at Dalgan sa bayan ng Pagalungan. Samantala Brgy. Kabasalan, Barungis, Buliok at Brgy. Bagoinged sa bayan ng Pkit sa North Cotabato.
Wala pang pormal na pahayag sa tunay na dahilan sa paglikas ng mga residente.
Ayon sa isang opisyal ng Eastern Mindanao Front ng BIAF- MILF kontrolado pa rin nila ang lugar na pinagmulan ng mga bakwet,
Meron umano silang tinanggap na direktiba mula sa kanilang nakakataas na pinuno na linisin ang lugar sa umanoy presensiya ng ISIS Inspired Armed Group .
Naka house base lang o sa kanilang mga kamag anak muna tumuloy sa bayan ng Pikit at sa bayan ng Pagalungan .
Sa ngayon ay handang handa na ang pwersa ng BIAF-MILF sa nakatakdang paglulunsad ng clearing operation laban sa mga teroristang grupo.(Jesy Ali)

Facebook Comments