Ilang sako ng bigas, ipinaabot na tulong ng pribadong sektor ng Surigao City sa naapektuhang pamilya sa Marawi City

119

Surigao City – Ilang sako ng bigas ipinaabot na tulong ng mga negosyante at doktor ng Surigao City para sa naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay Chesna Ycong, naunang naipamigay na nila sa evacuation centers sa Marawi City ang ilang sako ng bigas sa isang daan at limampung pamilya na kung saan tig-dadalawampung limang kilo bawat pamilya ng hindi magutom ang mga ito sa susunod na tatlong linggo.

Tinukoy na nagsagawa sila ng subordinasyon sa MSU Integral International para mamigay ng bigas sa iba’t ibang pamilya.


May kasamang bigas pa silang naka takdang ipadala sa susunod na linggo sa Marawi City.

Facebook Comments