May paalala ang ilang mga senador para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa October 30.
Hiling ni Go sa mga botante, i-exercise ang kanilang karapatan sa pagboto at ihalal ang sa tingin nila at makatutulong sa pag-unlad sa mga barangay.
Partikular na hinimok ng senador na piliing iboto ang mga kandidato na tapat, may kakayahan, may pagmamahal at malasakit sa kapwa Pilipino.
Samantala, may paalala rin ang mambabatas sa mga mauupo sa barangay.
Aniya, public office ang kanilang pinasukan kaya huwag sasayangin ang tiwalang ibinigay sa kanila ng mga kababayan.
Oras aniya na manalo ay unahin ng mga ito ang pagseserbisyo lalong lalo na sa mga mahihirap na kababayan.
Facebook Comments