
Umapela si Senator Grace Poe na ayusin na ng bagong pamunuan ng Philippine Health Insurance Corp., o PhilHealth ang mga natitirang obligasyon at utang nito sa health workers, hospitals at ibang institutions.
Ito’y sa gitna na rin ng itinalagang bagong PhilHealth President at CEO Dr. Edwin Mercado.
Ayon kay Poe, umaasa siya sa magagawa ng bagong pamunuan ng PhilHealth at sa mas responsive, episyente at karapat-dapat na healthcare management.
Giit ni Poe na kailangang maramdaman ng PhilHealth members na nagbabayad ng mataas na premium contributions ang benepisyo ng healthcare system.
Sinabi naman ni Senator Joel Villanueva na umaasa siyang sa ilalim ng liderato ni Mercado ay matutugunan ang mga problema at magiging daan ito sa mas abot-kayang premium payments at pagpapalawak ng benepisyo sa mga miyembro.