
Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P39-M na halaga ng Marijuana sa isang operasyon sa Designated Examination Area Container Facility Station 3 (CFS3), Manila International Container Port (MICP), Tondo, Maynila.
Batay sa ulat ng PDEA RO-NCR, isang cargo container ang sumailalim sa isang pagsusuri sa x-ray examination ng Bureau of Customs (BOC).
Ayon pa sa PDEA, kaduda-duda ang dokumento ng 30 sa 419 na kahon.
Maliban dito, nang ipaamoy ito sa K9 dogs, nakitaan ito ng mga kahina-hinalang bagay.
Nang buksan na ang 30 na kahon ay dito na nakita ang nasa 28,296 gramo ng mga dahon na pinatuyong Marijuana na nakatago sa mga kahon ng balikbayan boxes na mula Vancouver, Canada.
Iniimbestigahan na ng PDEA ang shipper at ang tatanggap ng parsel at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165.