PNP, nakiramay sa mga naulilang pamilya na nasawi sa plane crash sa Maguindanao

TTaos pusong nakikiramay ang Philippine National Police (PNP) sa mga naulilang pamilya nang bumagsak na eroplano sa Barangay Malatimon, Ampatuan, Maguindanao del Sur kahapon.

Ayon sa PNP, ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang nangangasiwa sa imbestigasyon ng insidente.

Gayunman, tiniyak ng Pambansang Pulisya na magbibitgay ito ng buong suporta sa pamamagitan ng pagtulong sa search, rescue, at recovery operations.


Matatandaang apat ang patay matapos bumagsak ang naturang private plane kabilang ang US military service man at tatlong defense contractor na noon ay nagsasagawa ng intelligence, surveillance, at reconnaissance support bilang suporta sa U.S.-Philippine security cooperation activities.

Facebook Comments