Kylie Padilla, thankful sa pag-aalaga sa kanya ng step mom na si Mariel

Manila, Philippines – Very thankful si Kylie Padilla sa kanyang pagbubuntis dahil maliban sa kanyang inang si Liezl Sicangco at boyfriend na si Aljur Abrenica – todo rin ang pag-aalaga sa kanya ng step mom na si Mariel Rodriguez.

Sey ni Kylie – hindi niya inasahan na magiging maalaga ang kanyang step mom.

Anya dahil sa pag-aalaga nito – hindi siya hirap sa pagbubuntis at nagpapasalamat talaga siya sa kanyang Tita Mariel.


Matatandaan na si Mariel ang nanguna sa little prince-themed baby shower para kay Kylie, kamakailan.

Nakatakdang manganak si Kylie sa susunod na buwan o Agosto.

* DZXL558*

Facebook Comments