Ilang tagilid na senatorial candidates ni PBBM, hindi pababayaang malaglag sa halalan

Umaasa ang Alyansa ng Bagong Pilipinas na makakamit pa rin nila ang 12-0 sweep sa Halalan 2025 kahit wala ang ilang mga kandidato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga survey.

Ayon sa koalisyon, kailangan lamang na puspusang ipakilala ang mga proyekto ng mga napag-iiwanang kandidato para malaman ng mga botante ang kanilang accomplishments.

Naniniwala rin ang alyansa na hindi pa nakakaabot sa publiko ang kanilang track record kaya nahuhuli ang mga ito sa survey.


Sa pinakahuling Pulse Asia Survey, 10 pambato ng administrasyon ang nakapasok habang siyam naman ang nakapasok sa Octa Research, kung saan hindi ito pasok sa target ni Pangulong Marcos na 12-0 na resulta sa midterm election.

Facebook Comments