Hiling ng ilang nagbebenta ng dried fish sa Damortis, La Union na patuloy umano sanang tangkilikin ang kanilang mga produkto.
Ayon sa ilang nakapanayam ng IFM news Dagupan team, mismong sa Damortis umano galing ang karamihan sa mga produkto nila kung kaya’t malaking tulong kung patuloy ang pagsuporta ng mga lokal na turistang bumisita papunta ng La Union.
May mga kasamahan rin umano silang lumipat ng pwesto upang lumakas ng bentahan tulad sa bahagi ng Bauang at San Juan.
Sa ngayon, naglalaro ang presyo ng mga pangkaraniwang dried fish sa 250 pesos ang 1/4 hanggang 1000 pesos ang kada kilo. Pinakamabenta ang daing na isdang espada na maliliit sa mga dumadayo na nasa 900-1000 pesos ang 1/4.
Isa umano ito sa kanilang ipinagmamalaking produkto ng probinsya kaya naman umaasa silang patuloy na mapapalakas pa ang kanilang sektor. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









