Hindi lalahok ang ilang transport group sa ikinasang caravan-protest ng iba’t ibang transport groups na tatawagin nilang “Busina Laban sa Jeepney Phaseout”.
Ayon kina FEJODAP National President Boy Rebaño at Ka Lando Marquez ng Liga ng Transportasyon (LTOP), naabala sila ngayon sa pagkakaloob ng interbensyon sa mga drivers na hindi nakapagbiyahe o yaong hindi nakabalik sa mga existing routes noong May 2020.
Gayunman, nakikiisa ang FEJODAP sa nararanasang kawalan ng kabuhayan ng mga gustong magprotesta sa Lunes.
Ayon sa FEJODAP, nabibigatan ang maraming operators sa malaking gastusin sa consolidation procedures para sa PUV modernization.
Hirit ng grupo sa gobyerno, dapat matulungan sa bayarin ang mga operators katulad ng pag-waive sa mga balances as annual book at ITR.
Maaari naman aniyang hugutin ito sa subsidy na inilaan ng gobyerno na nagkakahalaga ng 160,000 para sa mga gustong sumailalim sa modernization.
Ayon kay Rebaño, aabot as 40,000 ang bayarin na napakahirap mapasulpot ngayong may pandemya.