Ilang transport group, hindi sasama sa gagawing kilos protesta ng grupong PISTON sa Lunes

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas President Orlando Marquez na hindi makikiisa ang limang transport group sa ilulunsad na tigil pasada ng grupong PISTON sa darating na Lunes.

Ayon kay Marquez, nagpahayag na ang limang transport group ang Pasang Masda, Pejodap, Altodap, Pcdo-Acto at Ltop ang kanilang mariing na pagtutol sa plano ng PISTON na magsagawa ng malawakang tigil pasada sa Lunes kung saan ipaparalisa umano ng grupo ni Piston National President George San Mateo ang buong Metro Manila.

Paliwanag ni Marquez, hindi sila sasama sa tigil-pasada dahil naniniwala ang kanilang grupo na hindi makatutulong sa mga pasahero at gobyerno ang ikinakasang malawakang tigil pasada ng grupong PISTON.


Giit ni Marquez, hindi nauunawaan ni San Mateo na nakabubuti ang planong modernisasyon ng gobyerno sa mga pampasaherong jeep dahil bukod sa makatutulong sa kapaligiran ang mga solar electric jeep ay makatitipid pa sa gasolina.

Facebook Comments