Magkakasa ang iba’t ibang militanteng grupo ng malawakang kilos-protesta kasunod ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Anakpawis National President Ariel Casilao, alas-9:00 ng umaga sa Lunes, Oktubre 25, isasagawa nila ang protest caravan mula Philcoa hanggang Mendiola sa Maynila.
Aniya, kailangan nang irehistro ng mamamayan ang matinding kahirapan na pinagdadaanan dahil sa epekto ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Giit naman ni Anakpawis Partylisty Rafael Mariano, kailangan ng isuspinde muna ng pamahalaan ang pagpapataw ng Excise Tax at VAT sa langis.
Sa ganitong paraan aniya ay malaking ang mababawas sa presyo ng produktong petrolyo.
Facebook Comments