Ilang transport group, tiwalang dapat ng maglabas ng mas modernong PUV

Manila, Philippines – Naniniwala si LTOP President Orlando Marquez na kailangan na rin i-up grade ang mga PUV na tumatakbo sa lansangan para maiwasan ang risk sa kalsada, pagbigat ng daloy ng trapiko kapag nasisisraan at mabawasan ang polusyon sa kapaligiran.

Ayon kay Marquez kailangan tignan din umano ng pamahalaan ang magiging resulta sa programa nito na modernisasyon para sa mga pampublikong sasakyan dahil maraming mga driver ang maapektuhan dahil sa mataas franchising ng LTFRB at mababawasan din ang kanilang miyembro.

Mungkahi ni Marquez dapat pag-usapan mabuti ng pamahalaan at ng mga Transport group ang usapin ng modernisasyon dahil hindi naunawaan o hindi naipapaliwanag ng mabuti ang isinusulong na programa.


Paliwanag ni Marquez maganda ang layunin ng pamahalaan na modernization program sa mga PUJ dahil bukod sa malaking tulong sa mga tsuper mababawasan ang ang polusyon dahil hindi na ginagamitan ng gasolina ang Electric Solar Jeep.

Facebook Comments