ILANG TRICYCLE DRIVERS SA BALAOAN, LA UNION, NAKAKATANGGAP NG 10-LITER FUEL SUBSIDY

Nakatanggap ng 10-litro na fuel subsidy ang unang batch ng mga tricycle driver at operator na residente ng bayan ng Balaoan nitong Huwebes, Marso 12, 2026. Isa itong bahagi ng programang inilunsad ng lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga pangunahing sektor sa gitna ng tumataas na presyo ng langis.

Ayon sa alkalde, layunin ng subsidy na mabawasan ang pasanin ng mga tricycle driver, magsasaka, at mangingisda na direktang apektado ng global na krisis sa Gitnang Silangan. Binanggit niya na patuloy ang pamahalaan sa paghahanap ng mga hakbang upang suportahan ang mga residente sa ganitong sitwasyon.

Ang mga benepisyaryo ay mga residenteng aktibo sa kanilang hanapbuhay sa loob ng bayan at nakarehistro sa programa ng lokal na pamahalaan. Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng tig-10 litro na gasolina bilang tulong para sa kanilang pang-araw-araw na operasyon.

Inaasahang ipagpapatuloy ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga susunod na linggo upang mas maraming residente ang makinabang.

Samantala, humihiling naman ang ilan pang tsuper sa rehiyon uno na palawigin at paigtingin pa ang programang fuel subsidy ngayong patuloy na nararanasan ang pagtaas ng presyo ng gasolina. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments