Ilang unibersidad sa bansa, bumaba ang pwesto sa 2023 Asian University Rankings

Bumaba ang pwesto ng ilang unibersidad sa Pilipinas sa pinakabagong QS Asian University Rankings 2023 ng Higher Education Information Analyst.

Patuloy na nangunguna sa bansa ang University of the Philippines (UP) na nasa ika-87 pwesto, bumaba ito ng sampung puwesto mula sa dati nitong ranking.

Bumaba rin ang rankings ng Ateneo de Manila University (AdMU) na nasa ika-134 na pwesto; at De La Salle University (DLSU) na nasa ika-171 ngayon, mula sa 160 noong nakaraang taon.


Umangat naman sa 175, na dalawang ranggo mula sa dati nitong spot, ang University of Santo Tomas (UST) ngayong taon.

Samantala, nakasama naman sa ranking ang:
• Ateneo de Davao University
• Mapua University
• Siliman University
• Mindanao State University – Iligan Institute of Technology
• Saint Louis University
• Xavier University
• Adamson University
• Cebu Technological University
• Central Luzon State University
• Central Mindanao University
• Central Philippine University
• Lyceum of the Philippines University

Pinagbasehan dito ang academic at employer reputation, faculty/student ratio, international research network, citations per paper, papers per faculty, staff with PhD, proportion of international faculty, international students, inbound at outbound exchange students para sa nasabing ranking.

Facebook Comments