Ilang users ng e-wallet app na GCash, nawalan ng pera matapos malipat ang pondo sa unauthorized bank account

Ilang users ng electronic wallet application na GCash ang nagrereklamo matapos mawalan ng pera ang kanilang account

Ayon sa ilang users, ipinadala ang kanilang pera mula sa GCash mula sa isang account mula sa East West Bank at Asia United Bank.

Sa interview ng RMN Manila kay Laban TNVS President Jun De Leon, sinabi nitong wala siyang natanggap na message na naglalaman ng one-time password o OTP bago ang nasabing unathorized transfer.


Kaya kinalampag ni De Leon ang GCash sa paninisi nito na kasalanan ng mga users ang pagkawala ng kanilang pera.

Samantala, naniniwala ang information technology expert na si Jerry Liao na handang ibalik ng GCash ang nawalang pera kapag napatunayang may kahinaan sa kanilang sistema.

Samantala, humingi na ng paumanhin ang GCash kaugnay sa isyu at tiniyak muli sa publiko na ligtas ang pera ng kanilang users.

Inaasahan namang babalik ang serbisyo bago ang alas-tres mamayang hapon.

Facebook Comments