Imbestigasyon sa planong pagbili ng DA ng bio-fertilizers, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Pangasinan Representative Mark Cojuangco na mainbestigahan ng mababang kapulungan ang plano ng Department of Agriculture (DA) na bumili ng ₱2.5 billion halaga ng bio-fertilizers.

Giit ni Cojuanco sa gobyerno, mag-ingat at bantayang mabuti ang DA dahil posibleng matulad ito sa binansagang “fertilizer scams” noon.

Sa kanyang privilege speech, may ipinakitang dokumento si Cojuanco na pirmado ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian at naglalaman ng guidelines ukol sa bio-fertilizers.


ibinabala ni Cojuanco na ang bilyong-bilyong pisong pondo ay baka mapunta lang sa iilang mga tao at hindi naman pakikinabangan ng mga magsasaka.

Facebook Comments