PBBM, nakaalis na patungong Indonesia para dumalo nang 42nd ASEAN Summit

Umalis na sakay ng Philippine Airlines 001 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para dumalo sa 42nd Association of South East Asian Nation (ASEAN) Summit na gagawin sa Labuan, Bajo, Indonesia.

Kasama nito ang kanyang first lady na si Liza Araneta Marcos at ilang cabinet secretaries.

Sa departure speech ng pangulo, sinabi nitong ang kanyang pagdalo sa ASEAN Summit ay para i-promote at protektahan ang interes ng bansa.


Kabilang na rito ang patuloy na effort ng pamahalaan, para mas mapaangat ang ekonomiya at palakasin ang trade and investment.

Maging ang paglaban sa transnational crimes, katulad ng trafficking in persons at protektahan ang mga migrant workers sa panahon ng crisis situation at iba pa.

Magkakaroon din aniya ng pagkakataon ang pangulo na makipag palitan ng ideya para sa mga isyung may kinalaman sa common concerns, katulad ng developments sa South China Sea at sitwayson sa Myanmar.

Magtatagal ang Pangulo sa Indonesia hanggang Huwebes.

Facebook Comments