Ilegal na pagtatrabaho sa bansa ng mga dayuhang doktor, pinapaimbestigahan ng isang senador

Manila, Philippines – Pinapaimbestighan ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon ang nabunyag na ilegal na pagtatrabaho sa bansa ng ilang dayuhang doktor.

Giit ni Gordon, dapat matukoy at mapanagot ang sindikato na nasa likod ng pagpasok at pagtatrabaho sa mga ospital kahit walang permit ng mga dayuhang doktor.

Nangangamba si Gordon na nalalagay sa panganib ang kalusugan ng publiko dahil sa mga doktor na walang pahintulot o permit mula sa Professional Regulation Commission (PRC) at Department of Labor and Employment (DOLE).


Dagdag pa ni Gordon, dapat agad maipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang sinumang dayuhang doktor na matutukoy na ilegal na nagtatrabaho dito sa Pilipinas.

Facebook Comments